Velasquez, Regine - Ikaw Lyrics




Ikaw ang bigay ng maykapal
Tugon sa aking dasal
Upang sa lahat ng panahon
Bawat pagkakataon
Ang ibigin ay ikaw

Ikaw ang tanglaw sa aking mundo
Kabiyak nitong puso ko
Wala ni kahati mang saglit
Na sa iyo'y may papalit
Ngayo't kailanma'y ikaw

Ang lahat ng aking galaw
Ang sanhi ay ikaw
Kung may bukas mang tinatanaw
Dahil may isang ikaw
Kulang ang magpakailanpaman
Upang bawat sandali ay
Upang muli't muli ay
Ang mahalin ay ikaw





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

Velasquez, Regine Ikaw Comments