Sugarfree - Wag Ka Nang Umiyak Lyrics




Wag ka nang umiyak sa mundong pabago-bago
Pag-ibig ko ay totoo
Ako ang iyong bangka
Kung magalit man ang alon at panahon
Sabay tayong aahon

Kung wala ka ng maintindihan
Kung wala ka ng makapitan
Kapit ka sa akin, kapit ka sa akin
Hindi kita bibitawan

Wag ka nang umiyak mahaba man ang araw
Uuwi ka sa yakap ko
Wag mo nang damdamin
Kung wala ako sa iyong tabi
Iiwan ko ang puso ko sayo
At kung pakiramdaman mo'y
Wala ka ng kakampi
Isipin mo ako dahil
Puso't isip ko'y nasa iyong tabi

Kung wala ka nang maintindihan
Kung wala ka nang makapitan
Kapit ka sa akin, kapit ka sa akin
Hindi kita bibitawan
Hindi kita paba-bayaan, di kita paba-bayaan

Kapit ka... kumapit ka...

Kung wala ka nang maintindihan
Kung wala ka nang makapitan
Kapit ka sa akin, kumapit ka sa akin
Hindi kita bibitawan
Hindi kita paba-bayaan, di kita paba-bayaan
Hindi kita paba-bayaan, di kita paba-bayaan

Kumapit ka...





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

Sugarfree Wag Ka Nang Umiyak Comments