Sugarfree - Ang Pinakamagaling Na Tao Sa Balat Ng Lupa Lyrics




Nandito na sya...

Maniwala ka na lang sa kanya
Pag sya na ang nagsasalita
Wag ka na lang mag-alala
Dahil mali ka at lagi syang tama
Lahat na yata ng iyong sabihin
Kayang-kaya nyang kontrahin
Wala na yata syang di kayang gawin
Wala na yata syang kasing-galing

Heto na sya, ang henyo ng henerasyon

Kaya mga kaibigan, magpalakpakan
Lumuhod sa kanyang harapan
Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan
Heto na sya, ang pinakamagaling na tao
Sa balat ng lupa

Ang laki siguro ng utak nya
Wala nang librong di pa nababasa
Siguro di sya tao
Alam na nya ang bawat sulok ng mundo
Kahindik-hindik ang nalalaman
Sa mga bagay na kailan man
Ay hindi pa nya nararanasan
Hindi masukat ang kanyang kagalingan

Heto na sya, ang henyo ng henerasyon

Kaya mga kaibigan, magpalakpakan
Lumuhod sa kanyang harapan
Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan
Heto na sya, ang pinakamagaling na tao
Sa balat ng lupa

Kamukha na nya si Ernie Baron
May biyak din sa gitna ang barong
May kasagutan sa bawat katanungan
Kahit wala namang nagtatanong
Di bale nang wala syang kaibigan
Dahil hamak lamang tayong taga-lupa
Gawan na natin sya ng rebulto
At ilagay sa tuktok ng mundo

Heto na sya...

Kaya mga kaibigan, magpalakpakan
Lumuhod sa kanyang harapan
Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan
Heto na sya...
Kaya mga kaibigan, magpalakpakan
Lumuhod sa kanyang harapan
Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan
Heto na sya, ang pinakamagaling... na tao
Sa balat ng lupa





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

Sugarfree Ang Pinakamagaling Na Tao Sa Balat Ng Lupa Comments