Stick Figgas - Parisukat Lyrics






Ang mga butas sa pader ay nakatingin
Mababang kisame ay nakikinig
Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
'Di man umiikot, ito'y nalibot na
Dahil meron lamang apat na kanto itong mundong hugis parisukat

'Di mo ko kinikibo, tapik na ko nang tapik
Nagpadala ng puso, umaasang may bumalik
Sanay na nga ba yung sugat sa patak ng kalamansi?
Nung naiputan niya, sariwa pa rin sa 'kin yung hapdi
Subukan ko kayang mangyurak ng damdamin
Wala rin, kunsensya ko naman yung uupak sa akin
Wala ng takas sa masamang lasa ng nicotine
Napa-praning na rin sa tuwing may babagsak na pigurin
Basag na yung katahimikan sa mundo kong nasa plato
Detalyado kong ginuhit ang sagrado na kwadrado
Kusang 'di ko na kailangan ng matataas na grado
May mga mata ng kuwago sa sulok ng bawat kanto
Marunong magpatawad pero 'di nakakalimot
Saksi ang guhit sa palad kung pano mo pinaikot
Sa mundo kong ito, 'di mo na ko mabibilog
Tiyak lulutang 'yung basurang itinapon mo sa ilog

Ang mga butas sa pader ay nakatingin
Mababang kisame ay nakikinig
Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
'Di man umiikot, ito'y nalibot na
Dahil meron lamang apat na kanto itong mundong hugis parisukat

Mga makabagong aparato at teknolohiyang moderno
Kailangan kong magka-ganon ayokong mahuli sa kwento
Dala-dalawa na ang telepono, 'di pa rin kuntento
Puro lamang sarili trato at pasikat sa komento
Alam mo bang alam nila ang buong pangalan mo kumpleto
Araw ng kapanganakan, trabaho mo pati s'weldo
Kasi trenta porsyentong rason kaya 'to inimbento
Para madali lang tayong matiktikan ng gobyerno
Kalayaan sa dayuhan ay pilit na pinaglaban
Para lamang maging alipin ng kahirapan
Parang salamangkerong pinapili ang nanonood
Kanan man o kaliwang kamay siya pa rin ang siyang nasusunod
Madalas tayong nauutakan ng ating napupusuan
Ngunit sa bawat pagbagsak ay may kapupulutan na mga aral
Na dapat maaga mong natututunan
Tulad ng 'di ka malaya, malawak lang ang kulungan

Ang mga butas sa pader ay nakatingin
Mababang kisame ay nakikinig
Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
'Di man umiikot, ito'y nalibot na
Dahil meron lamang apat na kanto itong mundong hugis parisukat

Wala na akong ibang mahihiling pa
Sa sulok ng mundong ito
Kapiling kita, o sinta
Bakit ba sa t'wing pinapalaya mo?
Labas pasok pa rin ako
Sa bilangguang nakasanayan ko...whoah

Gustong kumawala ng kamalayan 'di sanay na palaging gala
Maghapong kayod nang kayod para lang may gatang mapiga
Lansangang maraming daga, basa! Maingay na talipapa
Kulang ata ang tamang salita upang maitama ang mga maling nagawa
Sa sinasabi ng iba 'wag ka masyadong magbabalewala
Marami ng buhay ang nababalewala — napariwara
Kamatayan lang ang makakapagkalas ng mga tanikala
Makakatakas ka lamang sa parisukat
Kapag nakahiga ka na sa parihaba

Ang mga butas sa pader ay nakatingin
Mababang kisame ay nakikinig
Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
'Di man umiikot, ito'y nalibot na
Dahil meron lamang apat na kanto itong mundong hugis parisukat





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

Last Posts

Stick Figgas Parisukat Comments
  1. K.... J....

    Solid talaga

  2. J.... K....

    Mac miller nang pilipinas! Burnnnnnn🔥

  3. c.... r....

    makakatakas ka lamang sa parisukat kapag
    nakahiga kana sa parihaba

  4. 4.... M....

    Di ka malaya malawak lang ang kulungan <3

  5. F.... o....

    Dafuq hinahanap2 ko to sht. Salamat at narinig ko na to.

  6. O.... o....

    sir ang lakas rin nito oh , dapat po nilagyan nyo kung sino ang kumanta , sayang wala gaano nkakaalam ng song na to

    O.... o....

    Nasa description naman sir

  7. C.... H....

    2019 dec

  8. P.... R....

    Underrated

  9. B.... M....

    that "Di ka malaya, Malawak lang ang kulungan." hits like a bus

  10. D.... M....

    Bakit apat na kanto ang hugis parisukat???

  11. l.... s....

    Di makatulog sa gabi sa kaiisip..

  12. N.... A....

    Lyrics Parisukat
    By:Stick Figgas
    Ang mga butas sa pader ay nakatingin
    Mababang kisame ay nakikinig
    Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
    Kung di man umiikot ito'y nalimot na
    Dahil meron lamang apat na kanto itong mundong hugis parisukat

    Di mo ko kinikibo, tapik na ko ng tapik
    Nagpadala ng puso, umaasang may bumalik
    Sanay na nga ba yung sugat sa patak ng kalamansi
    Nung naiputan niya sariwa parin sakin yung hapdi
    Subukan ko kayang mangyurak ng damdamin
    Wala rin, kunsensya ko naman yung uupak sa akin
    Wala ng takas sa masamang lasa ng nicotine
    Napapraning na rin sa tuwing may babagsak na pigurin
    Basag na yung katahimikan sa mundo kong nasa plato
    Detalyado kong ginuhit nang sagrado na kwadrado
    Kusang di ko na kailangan ng matataas na grado
    May mga mata ng kwago sa sulok ng bawat kanto
    Marunong magpatawad pero di nakakalimot
    Saksi ang guhit sa palad kung pano mo pinaikot
    Sa mundo kong ito di mo na ko mabibilog
    Tiyak lulutang yung basurang itinapon mo sa ilog

    Ang mga butas sa pader ay nakatingin
    Mababang kisame ay nakikinig
    Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
    Kung di man umiikot ito'y nalimot na
    Dahil meron lamang apat na kanto itong mundong hugis parisukat

    Mga makabagong aparato at teknolohiyang moderno
    Kailangan kong magkaganon ayokong mahuli sa kwento
    Dala dalawa na ang telepono di parin kuntento
    Puro lamang sarili trato at pasikat sa komento
    Alam mo bang alam nila ang buong pangalan mo kumpleto,
    Araw ng kapanganakan, trabaho mo pati sweldo
    Kasi trenta porsyentong rason kaya to inimbento
    Para madali lang tayong matiktikan ng gobyerno
    Kalayaan sa dayuhan ay pilit na pinaglaban
    Para lamang maging alipin ng kahirapan
    Parang salamangkerong pinapili ang nanonood
    Kanan man o kaliwang kamay siya parin ang siyang nasusunod
    Madalas tayong nauutakan ng ating napupusuan
    Ngunit sa bawat pagbagsak ay may kapupulutan na mga aral
    Na dapat maaga mong natututunan
    Tulad ng di ka malaya, malawak lang ang kulungan

    Ang mga butas sa pader ay nakatingin
    Mababang kisame ay nakikinig
    Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
    Kung di man umiikot ito'y nalimot na
    Dahil meron lamang apat na kanto itong mundong hugis parisukat

    Wala na akong ibang mahihiling pa
    Sa sulok ng mundong ito kapiling kita, o sinta
    Bakit ba sa twing pinapalaya mo
    Labas pasok parin ako
    Sa bilangguang nakasanayan ko

    Gustong kumawala ng kamalayan di sanay na palaging gala
    Maghapong kayod ng kayod para lang may gatang mapiga
    Minsan nga maraming daga, basa, maingay na talipapa
    Kulang ata ang tamang salita upang maitama ang mga maling nagawa
    Sa sinasabi ng iba wag ka masyadong magbabalewala
    Marami ng buhay ang nababalewala, napariwara
    Kamatayan lang ang (hindi ko alam tong part na 'to)
    Nakakatakas lang naman sa parisukat
    Kapag nakahiga ka na sa parihaba

    N.... A....

    lansangang maraming daga

    N.... A....

    Makakapagkalas ng tanikala

  13. J.... S....

    Mkakatakas ka lng SA parisukat pg nkahiga ka Na SA parihaba

  14. C.... C....

    Nakakasira ng ulo yung meaning puke ng ina

    C.... C....

    Hahaha gising ka muna kuys

    C.... C....

    @Ezekiel Escosura matagal na po along gising hehe

  15. K.... s....

    lyrics naman lods