Stick Figgas - Kritikal Lyrics






Sawang-sawa ka na ba sa
Mga kamalasan na nangyayari sa ating bayan na nasa
Bingit ng kamatayan sa pagkakaparalisa
Wala na bang pag-asa lahat magkaisa

Kahit mga paniniwala ay magkaiba
'tang ina naman kasi wala namang iba
Puro nalang makupal at barubal ang ating mga
Pinuno na wala nang ginawa kundi ang
Magsugal habang tayo'y binabaha
At isa pa lahat tayo bakit ba nagnanars
Nangingibang bansa kahit pa magkasars
Dahil sa buwis at sahod ay balewala kaya pala
Nangangayayat na pati daga sa aming tahanan
Na wala nang makain kundi de-lata
Kelangan ko si Peter Pan at ang kanyang diwata
Wala kong kinikita sa dami ng pirata na
Lahat pinapatulan at walang kinikilala
Bakit 'di mapaalis ng pulis, hindi ba kaya?
'Di ba dapat ang pirata takot sa buwaya?
'Di ako naniniwala na ako'y malaya

Sinong ma bayag?
Tara makisa ma ka sumama samin
Sabay-sabay tayong makibaka laban sa mga sugapang
Walang ginawa kundi magpayaman gamit ang pera na dapat ay sa bayan
Sino bang kalaban?
Kundi itong mga pultikong walang ibang iniisip kundi sarili lamang
Abala sila sa pagpapayaman habang nasa kritikal
Na kalagayan ang ating bansa tila napahiga sa higpit
Ng sinturon di na makahinga sa gulo ng sitwasyon
Ang dami nang sumasawsaw
Kaya tuloy katotohanan lalo lang lumalabnaw
Kahit na madami na ang tao na umaayaw patuloy pa
Rin sya sa pagsayaw
Kaya naman ayoko ng bomoto nakakawalang-gana na
Kung mismo ang ipapalit na ganun din ang kagaya nya

Bakit ba mga kanta natin ay laging banatan?
Magpakasaya tayo para maiba naman
Puro debate kung sinong pinakamatigas
Tapos pag-aawayan pa kung may hiphop ba sa Pinas
Magkaisa! Ha? Asa ka pa men
Wala ka na ngang makain gangsta ka pa rin
Ang sarap sapakin
Mukhang mga tangang dukhang walang alam kulang
Nalang ay magpatayan na parang daga at pusang
Nagkrus ang daan
Sus naman puro nalang "Who's the man?"
Hiwa-hiwalay na parang sinargo ni Bustamante
Pwede bang wag mo kong husgahan, p're
Di ka papalakpakan ng mga Lasallista
Tapos ay ngangaratan ka ng mga rakista
Kulturang mas watak-watak pa sa ating mga isla
Tapos guguluhin mo pa, taragis ka!





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

Last Posts

Stick Figgas Kritikal Comments