Seguerra, Aiza - Limang Dipang Tao Lyrics




Limang dipang taong nagtutulakan
Sa abenidang aking kinatatayuan
Nagaabang ng masasakyan
Patungo kung saan, 'di ko malaman

Sa aking dyipning sinasakyan
Mayroong natanaw na mama
Sa dinami-rami ng nagdaraan
Ikaw pa ang nakita
Ikaw pa ang nakita
May kasamang dalaga

Para, mama dito na lang, bababa na ako
Para, mama dito na lang, heto ang bayad ko
Para na sabi, para na sabi, para mama, para na diyan sa tabi

Limang dipang taong nagtutulakan
Ang dinaanan ko sa paghabol sa iyo
Tinatanaw ang pagakay mo
Sa dalagang pinagseselosan ko

Sa pagmamadali nadapa ako
Sa bangketang kinatatayuan mo
Lumapit ka, at tinulungan ako
At kita'y tinitigan
(At kita'y tinitigan)
Ano ba itong naramdaman

Sorry mama pasensiya ka na, sorry't naabala ka pa
Sorry mama pasensiya ka na, sorry't napagkamalan ka
Sorry na sabi, sorry na sabi, sorry mama, sorry't napagkamalan ka

Limang dipang taong naguunahan
Sa unting sasakyang nagdaraan
Sayang ang dyipning kanina'y lulan
At ngayo'y nagsisisi, sa aking pagbubusisi
Malaking pagkakamali

Para mama sasakay po, limang dipang taong nagtutulakan
Para mama sasakay po, limang dipang taong naguunahan
Para na sabi, para na sabi, para mama, para na diyan sa tabi
Para na sabi, para na sabi, para mama, para na diyan sa tabi





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

Seguerra, Aiza Limang Dipang Tao Comments
  1. Boy T Patatas Minvlog

    may kasamang dalaga.