Sampaguita - Laguna Lyrics






Ahh ahh
Ahh ahh

Halika na sa kabukiran
At ang paligid ay masdan
Sari-saring mga taniman
Ang makikita sa daan.

Sariwang hangin sa tabing baybayin
Parang pangarap na tanawin
Bundok na kagubatan, gintong palayan
Malawak na karagatan

Mga ibong nagliliparan
At pagdapo'y nag-aawitan
Mga punong nagtataasan
Parang paraisong tingnan

Ibang paningin ang mapapansin
Na gigising sa 'yong damdamin
Malalagim ka sa 'yong nakikita
Pagkat walang kasing ganda

(Laguna) Nang ito ay marating ko
(Laguna) Para bang ako ay nagbago
(Laguna) Kakaibang damdamin (ahh)

Ahh ahh
Ahh ahh

Laguna ay isang larawan
Ng tunay na kaligayahan
Ito'y ina ng kalikasan
Na nasa puso ninuman

Kahit nasaan ay nasa isipan
At nararamdaman
Sa paglalakbay ay laging kasama ko
Ang magandang karanasan

(Laguna) Nang ito ay marating ko
(Laguna) Para bang ako ay nagbago
(Laguna) Kakaibang damdamin (ahh)

(Laguna) Nang ito ay marating ko
(Laguna) Para bang ako ay nagbago
(Laguna) Kakaibang damdamin (ahh)

Kung iisipin mo
(Laguna) La la la la la la la la la la...
(Laguna)
(Laguna) La la la la la la la la la la...
(Ahh) La la la...

(Laguna) Nang ito ay marating ko
(Laguna) Para bang ako ay nagbago
(Laguna) Kakaibang damdamin (ahh)

Kung iisipin mo
(Laguna) Na na na na na na na na na na...
(Laguna)
(Laguna) Na na na na na na na na na na...
(Ahh) Na na na...

(Laguna) Nang ito ay marating ko
(Laguna) Para bang ako ay nagbago
(Laguna) Kakaibang damdamin (ahh)

Kung iisipin mo
(Laguna) Na na na na na na na na na na...
(Laguna)
(Laguna) Na na na na na na na na na na...
(Ahh) Na na na na na na na na na na na na na na na...

(Laguna)
(Laguna)
(Laguna)
(Ahh)

(Laguna)
(Laguna)
(Laguna)
(Ahh)





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

Last Posts

Sampaguita Laguna Comments