Quiwa, Patch - Siya Lyrics






Oo na
Hindi na ko mangungulit ng ulit ulit
Oo na
Hindi na ko magtatanong tungkol sa kanya

Kita naman na naiinis ka na
Alam ko naman
Tinitingnan ko lang kung
Anong sasabihin mo para pagtakpan na naman

Mahal mo pa ba ko?
Sabihin mo na
Para di na tayo nahihirapan
Masaktan na kung masasaktan

Oo na halata naman
Kung paano mo sya tingnan
Ganun mo rin ako tingnan noon
Hindi na nga lang ganon ngayon

Oo na alam ko na
Ayoko lang sanang tanggapin na
Siya pa rin pala

Mahal mo pa ba ko?
Sabihin mo na
Para di na tayo nahihirapan
Masaktan na kung masasaktan

Mahal mo pa ba ko?
O takot ka lang mang iwan?
Pero ang mas mahalagang tanong ay
Mahal mo pa ba sya?

Pansamantalang ligaya
Sa piling nya tapos babalik ka
Namiss mo ba ang halik nya?
Nagsawa sa nakasanayan
Kaya pilit binabalikan
Ang dapat kinalimutan

Paano mo natitiis na makita akong ganito?

Mahal mo pa ba ako?
Sabihin mo na
Para ako na lang ang lalayo
Nakakahiya naman sa inyo

Mahal mo pa ba ko?
O takot ka lang mang iwan?
Pero kahit sya pa rin ang mahal mo
Mamahalin pa rin kita sa malayo

Haaa woaaa woh... sa malayo
Haaa woaaa woh...

Oo na





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

Last Posts

Quiwa, Patch Siya Comments