Quest - Unang Hakbang Lyrics



Ayoko na dito
Sawa na ko dito

Hingang malalim
Damhin ang hangin
Tingala sa langit
Di pa to tapos
Meron pang galit
Inamo
Inakit
Paasa
Pasakit
Pusong naghikahos
Kumapit ako
Kahit ano gagawin ko
Pero bakit ganto?
Nangyari sayo?
Bakit ako?
Pwede na kong sumuko
Dito na lang sa dulo
Pero sinubukan kong matuto

Yung di na mababago bitawan mo na
Sa paghilom ng sugat may bagong simula
Maniwala ka man o hindi
Lahat yan ay merong silbi, sige

Pwede ka nang kumawala
Dyan sa rehas mong gawa-gawa
Wag nang magpanggap na nawawala
Wala namang mawawala kung magsimulang muli

Pagbigyan mo ang bukas
Wag kang matakot umusad
Kapag nahanap ang lunas ang nakaabang ay walang katulad
Ang puso'y namulat
May mga patunay na sugat
Mas malakas ka na ngayon tumingala ka sa ulap
Kwento ng tagumpay
Ang pinakahihintay
'Kala mo tapos na
Muntik ka pang bumigay
Ngayon nagdiriwang ang langit
Simulan mo na ulit umawit
Ibaon ang noon para sa ngayon unang hakbang

Kung gusto mo ng bago iwanan mo yan
Hilumin ang sugat, ito lang ang paraan
Maniwala ka man o hindi
Lahat yan ay merong silbi, sige

Pwede ka nang kumawala
Jan sa rehas mong gawa-gawa
Wag nang magpanggap na nawawala
Wala namang mawawala kung magsimulang muli
Buksan mo ang yong mga mata
Para hindi ka na nangangapa
Di mo na kailangan pang mangamba
Magpaalam sa nakaraan at magsimulang muli

Ayoko na dito...
Sawa na ko dito

Pwede ka nang kumawala
Jan sa rehas mong gawa-gawa
Wag nang magpanggap na nawawala
Wala namang mawawala kung magsimulang muli
Buksan mo ang yong mga mata
Para hindi ka na nangangapa
Di mo na kailangan pang mangamba
Magpaalam sa nakaraan at magsimulang muli...




Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics


Quest Unang Hakbang Comments