Henley, Ron - Ulila Lyrics






Ang kulay puti, bughaw, dilaw, napalitan
Sinakop ng mga uwak ang kalangitan
Sa bigat ng kaulapan parang uulan
At parang bagong taon kung mag-ututan ang mga bulkan
Sunod-sunod na pagsabog ng granada
Mga katawang nakahandusay sa kalsada
Mga mukha ay duguan, di na makilala
Ganto pala ang tunay na kulay ni kirara
Kahit sanka tumingin usok ang itim
Sa kapal kaya nyang takpan ang mga bituin
Isang kidlat, kasunod ng kulog
Kasabay ng isang malungkot na tunog
Teka nasan yung iba? ako lang ba ang natira?
Ako lamang mag-isa at hinahanap kita
Lubos na nagtataka, bakit di kita kasama?
Ganto ang larawan ng aking mundo kapag wala ka uh

Kawawang nilalang, ba't nag-iisa?
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa?
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa?
Kawawang nilalang lagi nalang nag-iisa

Anong kaguluhan to? Anong nangyari dito?
Nilamon ng apoy ang luntiang paraiso
Kulay pulang anyo ng tubig, daanan ay maputik
Nasunog ang lahat ng palayan sa bukid
Galit ang hangin na sa akin ay humampas
Na nagdala sakin patungo sa isang talampas
Ahit na kagubatan, nakalbong kabundukan
Habang humahaba ang buhok ng kalungkutan
Dito namahay ang hari ng kadiliman
Pailalim makatingin at di ka titigilan
Tinanong ko't tinitigan, kung kelan sya lilisan
Mahal nya daw ang mundong 'to at di nya maiiwan
Puro ungol at sigaw ng mga kaluluwang ligaw
Hinahanap ay ikaw
Sadyang nakakatakot ang pook nato pag di kita kasama
Ganto ang larawan ng aking mundo kapag wala ka, uh

Kawawang nilalang, ba't nag-iisa?
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa?
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa?
Kawawang nilalang lagi nalang nag-iisa

Ganito ang mundo kapag wala ka
Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
Ganito ang mundo kapag wala ka
Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
Ganito ang mundo kapag wala ka
Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
Diba sabi mo babalik ka ng maaga?
Pano nako kung wala ka, magsalita ka

Wala nakong liwanag na masipat
Sumuko na yung araw, ayaw nang sumikat
Ayoko na dito, gusto ko ng lumipat
Hayaan nyong tapusin ko ang aking paghihirap
Nagkalat sa hangin ang amoy ng mga
Patay na kandila at mga rosas na lanta
Ang tanging tinig mo ang nais kong marinig
Hanap ang iyong yakap at bibig sa twing ganto kalamig
Hindi, hindi ako susuko
Ako'y lalaban hanggang wala ng dugong tumulo
Kasi ikaw lamang ang tanglaw sa gabing mapanglaw
At sana sa pagdilat ko ikaw ay matanaw
Pagkagising ko natagpuan ko ang sarili ko
Wala ka sa aking tabi't nalilito
Ganto kagulo ang isip ko pag di kita kasama
Pano nako kung wala ka, magsalita ka...

Kawawang nilalang, ba't nag-iisa?
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa?
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa?
Kawawang nilalang lagi nalang nag-iisa

Ganito ang mundo kapag wala ka
Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
Ganito ang mundo kapag wala ka
Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
Ganito ang mundo kapag wala ka
Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
Diba sabi mo babalik ka ng maaga?
Pano nako kung wala ka, magsalita ka





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

Last Posts

Henley, Ron Ulila Comments
  1. T.... A....

    Broken si ron nito sinulat nya

  2. K.... C....

    Kaway kaway sa mga napapa sounftrip ulet neto dahil sa sunod sunod na pangyayare sa mundo ngayon.
    *Pagsabog ng bulcan
    *Grass fire sa amazon
    *Madugong gyera ng U.S.A vs IRAN

  3. S.... V....

    Bible prophecies! napaka angas kapangi-pangilabot dahil sinasalamin ng bawat taludtod yung mga insidenteng sa kasalukuyan kiwww!👌👽

  4. h.... T....

    Ganto mag predict

  5. D.... O....

    mga woke na pinoy nagcocomment na HAHAHHAAHHAHA

  6. A.... R....

    ikaw na talaga idol ron !! binalikan ko ulit ito kanta to ngayon dahil sa mga nangyayari

  7. J.... I....

    PARANG BAGONG TAON KUNG MAGUTUTAN ANG MGA BULKAN
    -Taal 2020

  8. B.... E....

    predicted

  9. P.... J....

    Idol Ron, iba ka talaga! Hayup, bat ngayon ko lang nadiskubre to?! Ito dapat yung mga kantang sumisikat eh. May laman!💯🔥

  10. M.... K....

    Pinapakinggan koto pag nilalamon ako nang kalungkutan, at hindi kona alam gagawin ko totoo ba ang dyos oh hindi. Yan ang laman nang kanta

  11. J.... G....

    Parang bagong taon kung mag-ututan ang mga bulkan

    Jan. 12, 2020 alert level 4 ang TAAL VOLCANO
    Alert Level 2 ang Mayon Volcano.

    :(

  12. M.... T....

    Ito yung nangyayari sa ngayon. USA vs IRAN, Tapos bulkang taal. 😣

    M.... T....

    Na predict nya noh ? Ang galing pakinggan mo naman yung loob nang kabaong ni apoc

    M.... T....

    Meron pa yung sunog sa amazon
    Nasa lyrics din ni ron

    "anong kaguluhan to anong nangyare dito
    Nilamon amoy ang luntiang paraiso"

  13. W.... ....

    Kawawang nilala ung mga nag dislike.

  14. c.... g....

    Ako tutulong Kay Lonnie makalaya . Millionaryo ako

  15. J.... L....

    Saktong sakto yung meaning neto ngayon sa mga kaganap sa earth.

  16. J.... S....

    This is just me, but I just wanna share this. Yung nangyayare ngayong 2020 nabanggit ni Ron Henley sa kantang to which is released few years ago.
    "Parang bagong taon kung mag ututan ang mga bulkan." (Volcanic Eruption)
    "Sunod sunod na pagsabog ng granada." (USA vs IRAN)
    "Nilamon ng apoy ang luntiang paraiso." (Bushfire in Australia)
    And in Ron Henley's 1st and 2nd verse nag eend sya sa line na "ganto ang larawan ng aking mundo kapag wala ka."
    Pag pinakinggan mo ng maigi yung kanta mapapaisip ka na parang tungkol kay Lord yung kanta because of that line. (This is the picture of the world without Jesus)
    I'm a big fan of Ron but I don't know him personally and I don't know the real meaning of this song, but like what I said, this is just me.

  17. J.... ....

    That What Philipines Now

  18. R.... M....

    Sakto sa Panahon Ganito ang Mundo kapag Wala ka!!!

  19. M.... A....

    na predict ni ron henley yung mangyayari ngayong 2020

  20. B.... N....

    Binalikan ko to dahil aa mga nangyayari ngayon 2020

  21. P.... D....

    Pinapakinggan ko Tang ina kinikilabutan ako habang nangyayari ang mga sakuna sa mundo!!!!!!! 😭😭😱

  22. W.... P....

    Sir Ron Henley, yung chorus po ba ninyo dito na, "kawawang nilalang, ba't nag-iisa?" Tungkol po ba ito sa mga endangered species na last of their kind nalang po? Thankyou po Sir sa makabuluhang kanta. 🙂

  23. d.... p....

    San po kayo nag shoot?? Ganda ng background.

  24. J.... P....

    Kamiss soundtripin 🥰🥰

  25. M.... C....

    Xplizit 🔥

  26. L.... M....

    i have ONE little wish na sana ma meet ko na si Ron HENLEY nang personal T^T Sana makita niya tohhhhhhhhhh....

  27. B.... D....

    sa araw araw na pinapakinggan ko to. (nasa fav. list ko kase to) naisip ko yung kalagayan ng pilipinas. siguro tema nyan sa pilipinas pa tungkol hahaha skl

  28. j.... ....

    pahemplis umednis idol ron ah HAHAHAHAHA

  29. K.... ....

    So relate T^T

  30. J.... P....

    Inang kalikasan

  31. J.... S....

    Nice idol napaka lalim pero gets ko na about kay GOD

  32. D.... A....

    Ganito ang mundo ko kapag wala ka,
    Ganito kagulo kapag hindi kita kasama.

  33. A.... L....

    Hindi ko alam bat ako naging fan mo, pero di yun nakakapangsisi. Napaka legend mo sakin Sir Ron 🔥 ito pinakikinggan ko pag stress na sa takbo ng buhay hahahaha share lang

    A.... L....

    😁👌🏼

    A.... L....

    Grabe napagyabang ko na naman reply mo haha safe lang lagi sir ron 😊

  34. M.... C....

    ako lang ba natira

  35. M.... H....

    Hindi nakakasawang paulit ulitin tas sasabayan pa ng mga mensaheng malalalim. Solid talaga kapag kuya ron gumawa ng obra.

  36. B.... R....

    Notice me ron big fan of you! I bought Gnarly tees because of you hahaha

    B.... R....

    Wow 😁

    B.... R....

    ilove you ron as always

  37. E.... J....

    Bata, bata, paano ka ginawa? Yan ang tanong ko nung pinaringgan ko teacher namin sa ESP at Science

  38. D.... J....

    2019?ala lang namiss ko lang bigla

  39. C.... T....

    diplomat hotel idol sir

  40. J.... S....

    Wala na kong liwanag na masipat sumuko na yung araw ayaw ng sumikat

  41. J.... A....

    Salamat sa musika ron! 💯🔥

  42. J.... C....

    Youre too advance para sa mga pinoy listeners. this deserves million views. sana gawa ka muna ng mas catchy song and kapag sikat na sikat kana saka ka na mag hain ng mga ganitong tema. wala e, di na abot yung depth ng kanta mo at mas gusto nila shallow. sana mabigyan ka ng big break at looking forward collab nyo no syke. solid kayo sa imagery e.

  43. R.... D....

    More of this Kuys. Solid! Still listening 07/03/2019

  44. R.... D....

    sir ron lang siguro may pinaka malawak na kaisipan sa pamamagitan musika kaYa nya paramdam kung anung nararanasan nya sa buhay buhay.

  45. J.... D....

    BANGIN BIGAT! ANG GANDA

  46. n.... r....

    ang masasabi ko lang ron
    mahilig ka sa alien
    magkakasundo tayo
    be my brother

  47. B.... F....

    Batang caniogan lang ako, sana makanuod ako ng live performance mo soon. Regards po sa Stickfiggas.

  48. B.... J....

    Andito pa din ako

  49. A.... M....

    oh! mga newbie dyn! gusto kong malaman nyong nakikipag palitan ako ng hug,! agad agad! tara mag yakapan na tau.

  50. N.... O....

    Jusko haha inabot ako nang 9 9 bago ko maabot ang KAHULUGAN

  51. A.... R....

    Sobrang easy lang kay sir ron basic ang lupet🔥🔥

  52. A.... Y....

    🔥🔥🔥

  53. T.... s....

    Pinakinggan ko siya ng naka acid. LALONG LALO NA YUNG PLATITO.
    hindi talaga ako nagkamali ng iniidolo.

    T.... s....

    👽👌🏻

    T.... s....

    Idol sana ismokin mo yung iaalok ko sayong strain sa sunugan.

  54. M.... B....

    soul searching... Ganda talaga ng kantang toh!!! Never gets old mga kanta mo kuya Ron.

  55. B.... M....

    Dope👌

  56. m.... m....

    isang wish lang gusto ko matupad sa susunod na taong 2019 maka daupang palad si Ron

  57. J.... h....

    Lakas neto Kuya Ron :) #Diplomat

  58. K.... V....

    Kawawang music video di man lang nag trending para sana mamulat ang mga tao ngayon. hay nako nauna pa yung kpop.

  59. T.... r....

    Kakaiba ka talaga magsulat ron idol

  60. R.... H....

    ULILA
    (R.Henley)

    Ang kulay puti, bughaw, dilaw, napalitan
    Sinakop ng mga uwak ang kalangitan
    Sa bigat ng kaulapan parang uulan
    At parang bagong taon kung mag-ututan ang mga bulkan
    Sunod-sunod na pagsabog ng granada
    Mga katawang nakahandusay sa kalsada
    Mga mukha ay duguan, di na makilala
    Ganto pala ang tunay na kulay ni kirara
    Kahit sanka tumingin usok ang itim
    Sa kapal kaya nyang takpan ang mga bituin
    Isang kidlat, kasunod ng kulog
    Kasabay ng isang malungkot na tunog
    Teka nasan yung iba? ako lang ba ang natira?
    Ako lamang mag-isa at hinahanap kita
    Lubos na nagtataka, bakit di kita kasama?
    Ganto ang larawan ng aking mundo kapag wala ka uh

    Kawawang nilalang, ba't nag-iisa
    Kawawang nilalang, ba't nag-iisa
    Kawawang nilalang, ba't nag-iisa
    Kawawang nilalang lagi nalang nag-iisa

    Anong kaguluhan to? Anong nangyari dito
    Nilamon ng apoy ang luntiang paraiso
    Kulay pulang anyo ng tubig, daanan ay maputik
    Nasunog ang lahat ng palayan sa bukid
    Galit ang hangin na sa akin ay humampas
    Na nagdala sakin patungo sa isang talampas
    Ahit na kagubatan, nakalbong kabundukan
    Habang humahaba ang buhok ng kalungkutan
    Dito namahay ang hari ng kadiliman
    Pailalim makatingin at di ka titigilan
    Tinanong ko't tinitigan, kung kelan sya lilisan
    Mahal nya daw ang mundong 'to at di nya maiiwan
    Puro ungol at sigaw ng mga kaluluwang ligaw
    Hinahanap ay ikaw
    Sadyang nakakatakot ang pook nato pag di kita kasama
    Ganto ang larawan ng aking mundo kapag wala ka, uh

    Kawawang nilalang, ba't nag-iisa
    Kawawang nilalang, ba't nag-iisa
    Kawawang nilalang, ba't nag-iisa
    Kawawang nilalang lagi nalang nag-iisa

    Ganito ang mundo kapag wala ka
    Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
    Ganito ang mundo kapag wala ka
    Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
    Ganito ang mundo kapag wala ka
    Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
    Diba sabi mo babalik ka ng maaga
    Pano nako kung wala ka, magsalita ka

    Wala nakong liwanag na masipat
    Sumuko na yung araw, ayaw nang sumikat
    Ayoko na dito, gusto ko ng lumipat
    Hayaan nyong tapusin ko ang aking paghihirap
    Nagkalat sa hangin ang amoy ng mga
    Patay na kandila at mga rosas na lanta
    Ang tanging tinig mo ang nais kong marinig
    Hanap ang iyong yakap at bibig
    Sa twing ganto kalamig
    Hindi, hindi ako susuko
    Ako'y lalaban hanggang wala ng dugong tumulo
    Kasi ikaw lamang ang tanglaw sa gabing mapanglaw
    At sana sa pagdilat ko ikaw ay matanaw
    Pagkagising ko natagpuan ko ang sarili ko
    Wala ka sa aking tabi't nalilito
    Ganto kagulo ang isip ko pag di kita kasama
    Pano nako kung wala ka, magsalita ka

    Kawawang nilalang, ba't nag-iisa
    Kawawang nilalang, ba't nag-iisa
    Kawawang nilalang, ba't nag-iisa
    Kawawang nilalang lagi nalang nag-iisa

    Ganito ang mundo kapag wala ka
    Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
    Ganito ang mundo kapag wala ka
    Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
    Ganito ang mundo kapag wala ka
    Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
    Diba sabi mo babalik ka ng maaga
    Pano nako kung wala ka, magsalita ka

    Turn on CC/Subtitles for lyrics.

    R.... H....

    Love ❤️

    R.... H....

    Lakas mo RON unique style kng pano ka nagsimula un prin ung style mas lalo lang pinalalim mga letra mo. Woooahh IBA TLGA NAGGWA NG THC

    R.... H....

    anong tema Ng kantang ito? masydong malalalim ang mga. salita. 😥

    R.... H....

    @Cherry ann marcedonio The brain is deeper than the sea

  61. S.... D....

    Ang kulay puti bughaw dilaw (ulap,kalangitan,araw) napalitan , sinakop ng mga uwak ang kalangitan (uwak is to be known ibon ng mga kadiliman) ganyan kalupit si Ron sa methapor Tang ina halos lahat ng lyrics dito methapor di ko Lang masulat lahat di ko kabisado lyrics haha

    S.... D....

    Sheryl Dava 👽👌🏻

  62. M.... I....

    Why this song so underrated?

  63. R.... A....

    Tapos binabalewala lang ng ilang eksperto sa panitikan ang rap. E putcha, kung susuriin mo 'yung ginamit na tayutay at mga salita sa liriko e masasabi mong hindi basta-basta isinulat.

  64. j.... t....

    RON , MATALO MANALO MGA ITM NA KAMALIAN , DARATING ANG KATANYAGAN

  65. R.... S....

    Astig Ron henly parehas tayo mag isip malalim

  66. J.... C....

    Ako lang ba?? bakit Parang Naririnig ko si Snoop Dog kay Ron Henley??

  67. j.... b....

    napakaganda ng kanta idol sana po wag niyong masamain kung sabihin ko na sana kayo nalang po ang gumawa

  68. L.... C....

    Hayyy 🔥🔥🔥

  69. a.... p....

    Salute 😍

  70. y.... y....

    para kay bea valera ba tong kantang to?

  71. D.... V....

    Detective conan

  72. p.... s....

    HUSAY ✨

  73. G.... G....

    🤓putsa paps payat mo nnmn jan sa video mo ha....

  74. j.... d....

    CLASSIC

  75. M.... G....

    masaya ako sa dami ng supporter ni ron .
    dito kasi samin ako lang nakaka appreciate ng mga kanta nya . di ko alam kung bakit pero d best para sakin yung mga kanta niya .
    #RON
    hinding hindi malalaos .

  76. J.... E....

    idol ron , di kita naabutan kanina, papa-autograph sana ako sayo :( ako yung lumapit sayo nung Basaan sa san juan ... Sana makita mo'to idol :D pinakikinggan ko lahat ng mga kanta mo ..





    -jose enrique lopez (Facebook name)

  77. R.... W....

    420 k (kush) views, solid!!!

  78. P.... e....

    Nabuhay ulit dugo ko simula narinig ko ang kantang ito :)

  79. D.... C....

    Up north!

  80. j.... r....

    salute.

  81. R.... ....

    ang galaing talaga

  82. K.... R....

    sa bawat araw na pinapakinggan ko yung kanta na to hindi ko masabi kung about love or about god ang mensahe pero dahil sa double meaning gumawa ng obra si ron siguro parehong tama ang iniisip ko "Ganito ang mundo kapag wala ka ganito ang mundo kapag hindi kita kasama" example yang line nya na yan pwede mo sya ihambing sa taong pinaka mamahal mo at pwede rin sya sa panginoon. sobrang saludo talaga sobrang solid baguhan lang ako sa poetry at isa si ron sa mga hinahanggaan kong artist pag dating sa mga double meaning na obra salute sir gumawa kapa ng mas maraming malalaman na kanta

    K.... R....

    Karl Ramirez parehas tau ng iniisip pero mas lamang sken ung tungkol sa Dios e.

    K.... R....

    About love or about God, iisa lang yun. Sumasalamin kay God ang pagmamahal mo sa kasintahan mo bilang hantungan.

  83. J.... C....

    after rapture and after the second coming of jesus christ, dun patungkol yung kantang to

  84. J.... N....

    under rated c ron d na kac uso ang kantang may sense

  85. j.... c....

    Idol! ang ganda ng lyrics. thumbs up :)

  86. A.... @....

    original song ba niya to?

  87. R.... D....

    Mas inuna kupa itong Pakinggan Kesa Tumae Ako .. Nc1 Song #RonHenley #Ulila

  88. J.... E....

    Para saakin tungkol to sa RAPTURE OF GOD :)

  89. j.... i....

    IDOL tang ina napaka lupit ng kanta na to ang lawak ng imahinasyon ni ron.

  90. R.... W....

    napaka ganda ng tulang to.

  91. b.... s....

    dam'n.!
    sa tam-awan village pla ginawa ang music video na 'to?! ngaun ko nalaman 'to ah....

  92. a.... b....

    mga bobo?!!para sa taong sawi yan.yan ang meaning ng kanta.tama ba ako idol?

  93. a.... b....

    mga bobo?!!para sa taong sawi yan.yan ang meaning ng kanta.tama ba ako idol?

    a.... b....

    aldrin bermejo double meaning yan tanga sinabi niya sa interview na mahilig o puro double meaning kanta niya ikaw sa tingin mo pero mas naniniwala ako na para kay god yan