Gloc-9 - Kung Tama Siya Lyrics




[Chorus: Jaq Dionisio]
Lahat ay ginawa ko
Lahat ay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya

Ano ang napala ko
Pati buhay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya

[Gloc-9:]
Tinta at panulat ang ginamit
Sa mga pahina ng libro ibinuhos ang galit

Nag-aral ng matuwid parang sangi saking anit
‘Sang dalubhasang nahasa sa hasang na kay pangit

Ng amoy nung ako’y magpasyang ituloy
Ang pag sulat ng talata na mag sisilbing apoy

Sa bawat isang Pinoy na lubog sa kumunoy
Ng dayuhan ang mga balot sa kumot na tisoy

Kahit na sabi nila ako’y hindi pumapalag
Ang aking pagsulat ay isang gawain ng duwag

Bakit kailangang magpatayan ng maghapot magdamag
Kung sa kalaban ay bato at ang sandata mo’y libag

Makalipas ang isang daang taon at limampu
Ano ang aking namasdan ano ang aking natanto

Para bang ang panahon mula noon ay huminto
Sino na bang nakadaan sa nakasaradong pinto

Ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan
Tandaan mo ang laman ng isang kasabihan

Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan
Kung bukas sila naman ang syang mag hahariharian

[Chorus: Jaq Dionisio]
Lahat ay ginawa ko
Lahat ay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya

Ano ang napala ko
Pati buhay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya

[Gloc-9:]
Ito ang sa tingin ko’y tama
At ang syang nararapat
Pero teka lang…

Sa kanila’y huwag kang maawa
Yan lang ang syang nararapat
Pero teka lang…

[Gloc-9:]
Ako’y isang batang Tondo na anak ng mananahi
At sa idad na katorse mga braso’y natali

‘Di man natapos sa eskwela nagpatuloy magbasa
Nakadampot ng karunungan at namulat ang mata

Na ang nagaganap saking kapaligiran ay mali
At ang tanging sagot sa malalim na sugat ay tahi

Silang alipin ng ginto at amoy ng salapi
Mga dayuhan na dahilan ng maraming pighati

Abuso at kalupitan hindi mo dapat pagtakpan
Kung hindi ka lumaban wala kang dapat pagtakhan

Ayaw nilang magparaya may humaharang sa daan
Wala nang pakiusapan di mo subukang tadyakan

Dahil ang kinakayankayanan lamang ay mahina
Subukan mong sumigaw kahit maputulan ng dila

Ibinuwis aming buhay natunaw ang kandila
At nagbago nang itsura ng tinaas na bandila

Ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan
Kung iisipin ang laman ng isang kasabihan

Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan
Kung bukas sila naman ang syang mag hahariharian

[Chorus: Jaq Dionisio]
Lahat ay ginawa ko
Lahat ay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya

Ano ang napala ko
Pati buhay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya

[Gloc-9:]
Ito ang sa tingin ko’y tama
At ang syang nararapat
Pero teka lang…

Sa kanila’y huwag kang maawa
Yan lang ang syang nararapat
Pero teka lang…





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

Gloc-9 Kung Tama Siya Comments
  1. Rockie Gutierrez

    Sobrang saludo ko po sa mga makabayang kanta nio po sir gloc ...isa ka po matatawag na modern artist hereos ....salute ....

  2. estrella cebrano

    Si sir Durante nagdala sakin dito!!❤

    estrella cebrano

    -jesmel hehe

  3. ILAB MUZIC

    Gawin ung 1.25x

  4. Not your FaNgArL

    Marcos pa rin😂

  5. Gester Gonzalez

    duterte-marcos2016 para sa pagbabago

  6. Joshua Felicilda

    napakamakapangyarihan ng mensahe nito. galing!

  7. brian cacayuran

    paano kung tama si MARCOS??? galing ng kanta!! napaisip ako!

    Sttyasya Lumamba

    after 200 years ,ung buhay pa tayu.. dyan tayo mag kwento na tama talaga si MARCOS.. . katulad ni Jesus after death na xa na recognize ng mga tao.

  8. CarouselBlind

    if only my English buddies understands this 

  9. Darwin Daygo

    talagang ikaw lang ang aking idolo ! i love you sir gloc 9 ! !

  10. koji virtudazo

    bagong lirisismong tumatagos!

  11. arist totle

    pinaka idol ko si aristotle polisco

  12. Cerulea Ingisia

    "What is the use of independence if the slaves of today will be the tyrants of tomorrow..."

  13. generous mc

    galing mo talaga idol. :)

  14. Marlex Faustino

    hindi na niya need makipag balagtasan pa sa mga fliptopers dahil alam ntng lahat na hndi ganun c sir gloc9 dahil kaya nga "KWENTO NG MAKATA" ikaw na bahalang humusga qng anu tngn mo kay sir gloc9 pero isa lng masa2bi koh hndi na sia nara2pat pang sumali dahil sa puso ng bawat PILIPINO sia na ang CHAMPION!

  15. alakdan kieth

    tama joshua thumbs up for you.

  16. joshua ymmanuelle Getigan

    siguro mas finofocus niya ang kanyang buhay sa MAS makabuluhang mga bagay ;) kagaya nito

  17. alakdan kieth

    tsong?! di mao naintindihan ang COMMENT?!
    hindi ang FLIPTOP ang nilalait ko. kundi ang mga walang rapper na sumsamali sa fliptop. please basahin mo naman ng maigi ang comment. huwag yung daldal ng daldal?!!!

    GeRo CasTro

    Hindi na.. dapat,

  18. jazfear1

    Nila-it mo ang FLIPTOP pero gusto mo sumali doon si GLOC9..?? that's a Bitch move..

  19. Mao Sama

    lol fliptop laro ng mga mababang level ng pagiisip.

  20. alakdan kieth

    yeah! it sounds cool. Gloc shows the bravery of the heroes by using rap. GREAT! Congrats!!

  21. Neko Mhine

    ayaw cguro mag fliptop ni kuya aries kasi d niya gusto magyabang, do what you want sir Gloc! Idol!! :)

    benj mendez

    Tama,ang fliptop ay bad influence sa mga kabataan,kaya mga kabataan ngyon maraming badwords nalalaman.for me walang kwenta ang fliptop

  22. jero daclan

    sir aris gawa kpa new album plz....

  23. kieth Loe Barot

    .Lakas naman ng Loob ng nag disLike..

  24. kieth Loe Barot

    sir gLoc bat ayaw mung sumaLi sa fLiptop .. i'm sure kakainin niLa ang kaniLang mayayabang lirico , na pangbata lamang ang nag iidoLo .. thumbs up kung sinong sangayon .. we weLL support you .. with aLL our hearts .. iDOLLLLLL >>

  25. juan katipunan

    di ko maintindihan ang mga katulad mo.. meaning kasi ang tinitingnan inde ang title..

  26. Amy Quing

    bakit naman kase ikaw ay serena? sana pinalitan n lang yun.. boy p naman ung kmunta? sayang...

  27. genesis borda

    galing xD !!!

  28. identityjunk

    ang galing

  29. MegaDarkyyy

    diba pwedeng Dr.Jose Rizal?

  30. goro shigeno honda

    iba tlga pag bayani ka

  31. Kristel Loves Grimmie

    ok to kanta na 2

  32. bigbhen96

    sir gloc... saludo ako sau...

  33. Abbot Chavez

    ang angas!!!

  34. Aby Esteban

    LIKE! ASTEEG! RIZAL AND BONIFACIO, mga istorya :))

  35. Maria Violeta Evangelista

    Kahit na sabi nila ako’y hindi pumapalag
    Ang aking pagsulat ay isang gawain ng duwag

    Bakit kailangang magpatayan ng maghapot magdamag
    Kung sa kalaban ay bato at ang sandata mo’y libag

  36. whel herrera

    parang nabuhay ulit ang idol ko francism gling more power idol

  37. Karl Anthony Relles

    Ang bangis ng mensahe!

    "Tandaan mo ang laman ng isang kasabihan,
    Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan,
    Kung bukas sila naman ang syang mag hahariharian..."

    Naalala ko yung pagtanggal kay marcos sa upuan, afterwards naupo yung mga taong "tinapakan" ni marcos at ngayon kitang kita na sila naman ang nag hahariharian. Like if totoo ang mga kataga na sinabi ko!

    Noli Ablania

    Mali ka d tinapakan ni marcos galit lang at inggit nila yun la namn ginawa c marcos sa kanila aa

  38. Julius Erlano

    lakas nito !