Geronimo, Sarah - Masdan Mo Ang Kapaligiran Lyrics




Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran
Kay dumi na ng hangin pati na ang mga ilog natin

Hindi nga masama ang pagunlad at malayo layo narin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat datiy kulay asul ngayoy naging itim

Ang mga duming ating ikinalat sa hangin sa langit wag na nating paabutin
Upang kung tayoy pumanaw man sariwang hangin sa langit natin matitikman

Mayron lang akong hinihiling sa aking pagpanaw sanay tagulan
Gitara koy aking dadalhin upang sa ulap na lang tayo magkantahan

Ang mga batang ngayon lang isinilang may hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin may mga ilog pa kayang lalanguyan

Bakit di natin pagisipan ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi nga masama ang pagunlad kung hindi nakakasira ng kalikasan

Darating ang panahon na ang ibong dala ay wala ng madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag ngayoy namamatay dahil sating kalokohan

Lahat ng bagay na narito sa lupa biyayang galing sa Dyos kahit nung ikay wala pa
Ingatan natin at wag ng sirain pa pagkat pag kanyang pinawi tayoy mawawala na

Mayron lang akong hinihiling sa aking pagpanaw sanay tagulan
Gitara koy aking dadalhin upang sa ulap na lang tayo magkantahan





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

Geronimo, Sarah Masdan Mo Ang Kapaligiran Comments