Florante - Handog Lyrics






Parang kailan lang
Ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin
Dahil sa inyo
Napunta ako sa aking nais kong marating
Nais ko kayong pasalamatan
Kahit man lamang isang awitin

Parang kailan lang
Halos ako ay magpalimos sa lansangan
Dahil sa inyo
Ang aking tiyan at ang bulsa'y nagkalaman
Kaya't itong awiting aking inaawit
Nais kong kayo ang handugan

Tatanda at lilipas rin ako
Ngunit mayroong awiting
Iiwanan sa inyong ala-ala
Dahil minsan tayo'y nagkasama

Parang kailan lang
Ang mga awitin ko'y ayaw pakinggan
Dahil sa inyo
Narinig ang isip ko at naintindihan
Dahil dito'y ibig ko kayong ituring
Na matalik kong kaibigan

Tatanda at lilipas rin ako
Ngunit mayroong awiting
Iiwanan sa inyong ala-ala
Dahil minsan tayo'y nagkasama

Tatanda at lilipas rin ako
Ngunit mayroong awiting
Iiwanan sa inyong ala-ala
Dahil minsan tayo'y nagkasama

Tatanda at lilipas rin ako
Ngunit mayroong awiting
Iiwanan sa inyong ala-ala
Dahil minsan tayo'y nagkasama...





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

Last Posts

Florante Handog Comments