Florante - Ako Lyrics






Nang ako ay dumating dito sa bayan mo ang kasama ko ay kombo
Mayrong anim na buwan kaming nagkalampagan ng aming gamit sa pagtugtog
Subalit may kontrata kaming pinirmahan
At labing isang buwan kaming nagkalampagan sa Japan

Ako ay bumalik dito sa Pilipinas pagkat ang kombo ko ay nalansag
Ngunit hindi inabot ng ganoong katagal, may bagong kombo akong itinatag
Kay husay o ang galing, marami ang humanga
Ngunit ang miyembroy nagsiyabang at kami ay nagkasira

May dahilan ba kong magsolo'
Wala akong problema sa miyembro
Kahit anong oras mag-ensayo garantisadong walang obligado

Dito sa bayan mo ako ay nakilala sa pag-gigitara at pagkanta
Walang dramista, organista o bahista, ako sa pagtugtog ay nag-iisa
Kung minsan ay namamalat ang boses koy pumipiyak
Kaya pasensiya na kayo dito sa boses kong basag

May dahilan ba akong magsolo'
Wala akong problema sa miyembro
Kahit anong oras mag-ensayo garantisadong walang obligado

Kung minsan ay namamalat ang boses koy pumipiyak
Ngunit ako ay maligaya kung kayoy pumapalakpak





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

Last Posts

Florante Ako Comments