Erik Santos - Kung Maibabalik Lyrics






Alam kong ako yung lumayo
Walang karapatang magreklamo
Ngunit bumabalik pa rin
Ang nakaraang parang kahapon

Paumanhin
'Di ko sinadya
Na lumisan na lang

Kung papayagan mong tayo'y bumalik
Sa huling tagpuan natin
'Di papalampasin ang pagkakataong sabihing
Pagtapos ng lahat, ikaw pa rin
Lumisan ang lahat, ikaw pa rin

Alam kong nagkulang sa iyo
Sana patawarin kung natakot
Paano magpakalayo
Kung ang pag-ibig ko'y 'di maitago

Paumanhin
'Di ko magawang
Kalimutan na nalang

Kung papayagan mong tayo'y bumalik
Sa huling tagpuan natin
'Di papalampasin ang pagkakataong sabihing
Pagtapos ng lahat, ikaw pa rin
Lumisan ang lahat, ikaw pa rin

Kita ko pa sa'yong mga mata
May pag-asa pa tayong dalawa
At kung sa huli, 'di rin maibalik
Patawarin sana

Kung papayagan mong ikaw ay mahalin
Mula sa tagpun natin
'Di papalampasin ang pagkakataong sabihing
Lumisan ang lahat, ikaw parin
Kahit sa paalam, ikaw parin





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

Last Posts

Erik Santos Kung Maibabalik Comments