Ebe Dancel - Isang Probinsyano Sa Maynila Lyrics




Ang aga-aga maingay na
Ang almusal ko ay busina
Ang bilis ng buhay dito

At sa daan maya't maya
May sasakyang rumaratsada
Mga taong nag-uunahan sa
Itinakdang patutunguhan
Ang bilis ng buhay dito
Ang bilis ng buhay dito

Ang puso'y umaapaw sa kaba
Dahil mahirap ang maging probinsyano sa Maynila
Buhay dito'y buhol-buhol
At laging may hinahabol
Dahil sadyang nakakaloko ang ikot ng mundo dito

Nag-gagandahang mga dalaga sa
Mga gusaling nakakalula
Saan kaya ang pwesto ko sa
Pabago-bagong mundong ito?
Ang bilis ng buhay dito
Ang bilis ng buhay dito

Ang puso'y umaapaw sa kaba
Dahil mahirap ang maging probinsyano sa Maynila
Buhay dito'y buhol-buhol
At laging may hinahabol
Dahil sadyang nakakaloko ang ikot ng mundo dito

Nanliliit ang puso ko
Hanggang kailan maninibago
Nahihirapang sumabay sa
Pabago-bago kong bagong buhay

Ang bilis ng buhay dine
Kay bilis, bilis, bilis, bilis





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

Ebe Dancel Isang Probinsyano Sa Maynila Comments
  1. STUPID DOG

    Ganda talaga neto! Lupet

  2. vic moaje

    ambangis ng bass line sa 3:49 - 3:51. Idol!

  3. CARANYAGAN

    kaka relate

  4. CARANYAGAN

    wow new nice song