Ebe Dancel - Ikaw Ang Aking Tahanan Lyrics




Gabi at umaga
Ang agwat nating dalawa
Sa pagitan ay mga bit'wing
Tila kulang ng ningning

Nagsusumikap
Nagpapakahirap
'Di makatulog ng mahimbing
Sa kamang hindi akin

Malayo man ikaw lamang
Ang laman ng aking isipan
Malayo man
Ikaw pa rin
Ikaw lamang ang aking tahanan

Tinitiis ang lamig
Alang-alang sa pag-ibig
'Di madali ang buhay na
Pinili para sa'kin ng tadhana

Ngunit ngayong gabi
Ang tanging nais lamang
Ay humiga sa iyong tabi
'Wag sa kamang hindi akin

Malayo man
Ikaw lamang
Ang laman ng aking isipan
Malayo man
Ikaw parin
Ikaw lamang ang aking tahanan

Malayo man
Ikaw parin
Ang laman ng aking isipan
Malayo man
Ikaw parin ang aking tahanan
Ikaw lang ang nag-iisang
Sa puso ko
Ikaw lamang ang nag-iisang tahanan





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

Ebe Dancel Ikaw Ang Aking Tahanan Comments