Bondoc, Jimmy - Yaya Lyrics






May pag-ibig pa palang ganto
Tila sumusubaybay ang buong mundo
Bawat tingin, bawat sulyap
Walang bawal sa pangarap
May wakas ba ang hiwagang kay sarap

Yaya-yain kita
Sa tamang panahon, sa altar ng Poon
Yaya-kapin kita
Kung hindi man ngayon,
darating tayo do'n
Kung mahal mo ako
at mahal din kita
Balang-araw tayo ring dalawa

Kahit pader, di tayo mapaghiwalay
Kahit matatanda'y di tayo masaway
Bawat puso'y sumisigaw
Hinihintay lang ang araw
na kahit 'sang saglit, ikaw ay matanaw

Yaya-yain kita
Sa tamang panahon, sa altar ng Poon
Yaya-kapin kita
Kung hindi man ngayon,
sa madaling panahon
Kung mahal mo ako
at mahal din kita
Balang-araw tayo ring dalawa

Kung may hahadlang man sa pagmamahalan
Wag mag-alala, puso ko'y sa'yo lamang
Panahon natin ito
Bakit natin isusuko
Balang-araw, alaala natin ito

Yaya-yain kita
Sa tamang panahon, sa altar ng Poon
Yaya-kapin kita
Kung hindi man ngayon,
Sa madaling panahon
Kung mahal mo ako
at mahal din kita
Balang-araw tayo ring dalawa
(Balang araw sinta)
Kung mahal mo ako
at Mahal din kita
Balang araw tayo ring dalawa





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

Last Posts

Bondoc, Jimmy Yaya Comments