Asin - Sandaklot Lyrics




Salita, puro ka salita
Ganyan ka kaibigan na kulang sa gawa
Tingnan mo ang mata ng buong madla
Sa 'yo nakatingin dahil sa ugaling masagwa

Ito'y ugaling makikita sa tabi-tabi
Ba't mo pa rin pinaiiral sa iyong sarili
Di mo ba alam na ika'y nahuhuli
Sa takbo ng panahon ika'y nakausli

Animo'y anghel kung magsasalita
Sa kilos nama'y di mo makikita
Taong katulad mo'y di dapat bigyan
Kahit katiting na puwang dito sa lipunan

Ang kabaitan ay di na sinasabi
Ganun din ang pagmamahal sa yong katabi
Ba't di mo na lang gawin ang dapat gawin
Ayon sa utos na dapat sundin

Salita, puro ka salita
Ganyan ka kaibigan na kulang sa gawa

Ba't di mo na lang gawin ang dapat gawin
Ayon sa utos na dapat sundin
Magbago ka, aking kaibigan
Kumilos ka, aking kapatid
Magbago ka





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

Asin Sandaklot Comments