APO Hiking Society - Kaibigan Lyrics




Kaibigan, tila yata matamlay ang iyong pakiramdam
At ang ulo mo sa kaiisip ay tila naguguluhan

Kung ang problema mo o suliranin ay lagi mong didibdibin
At tatanda kang bigla, pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa

Iniwanan ka ng minamahal mo sa buhay mo at nabigla
Sinamba mo siya, binigyan mo ng lahat at biglang nawala

Ang buhay mo'y alalahanin at 'wag naman maging maramdamin
At tatanda kang bigla, pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa

Kasama mo ako at kasama rin kita
Sa hirap at ginahawa
Ako'y kadamay mo, at may dalang pag-asa
Limutin siya, limutin siya
Marami, marami pang iba

Kaibigan, kalimutan mo na lang ang nakalipas
Kung nasilaw siya, napasama sa iba't napaibang landas

Marami pang malalapitan mababait at di naman pihikan
At tatanda kang bigla, pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa

Kasama mo ako at kasama rin kita
Sa hirap at ginahawa
Ako'y kadamay mo, at may dalang pag-asa
Limutin siya, limutin siya
Marami pang iba

Kaibigan, kalimutan mo na lang ang nakalipas
Kung nasilaw siya, napasama sa iba't napaibang landas

Marami pang malalapitan mababait at di naman pihikan
At tatanda kang bigla, pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

APO Hiking Society Kaibigan Comments