APO Hiking Society - Huwag Masanay Sa Pagmamahal Lyrics




– Pinangako mo sa akin ang lahat ngunit ang pag-uwi lang ng maaga ay hindi mo pa matupad
– O, ayan ka na naman sa drama mo
– Aminin mo na na nagbago ka na. Dati nilalambing mo 'ko, kinakarinyo, sinusuyo
– Eh dati, (ngayon, ngayon, hu, uhu, hu) eh paano naman ako gaganahan eh puro ka nalang dada diyan
– Hu, uhu, hu
– Tumigil ka, tumigil ka na diyan sabi eh…. etong ….um [sinampal]
– Walanghiya ka, taksil
– Tumahimik ka diyan
– Pinabayaan mo ako dito
– Tumahimik ka!

Huwag na huwag masanay sa pagmamahal
Kapag nasanay ka, naku kawawa ka
Hindi lang basta-basta ang pagmamahal
Kapag umibig ka tila may abala
Ibang-iba ang buhay mo kapag nag-iisa
Walang inaasikasong problema ng iba
Kaya kung nag-aalinlangan magmahal
Ang payo ko sa 'yo ay huwag na lang

Bakit parang umaangal ka ngayon
Ngayon at nasa iyo na ang pag-ibig ko
Hindi ba kelan lamang nung sinabi mo
Walang ibang gusto para sa buhay mo
Ganyan ba talaga ang kwento ng pagmamahal
Parang 'sang gayuma na hindi nagtatagal
Kaya kung nag-aalinlangang magmahal
Ang payo ko sa 'yo ay huwag na lang

Bakit ayaw ng nag-iisa
Kailangan pang merong kasama
Kasama na nagdadala lamang ng sakit ng ulo

Huwag mong pasukan kung hindi mo kaya
Ang buhay ng mayroong kasama
Mabuti pang maiwan na nag-iisa
Wala pang abala

– Hu, uhu, hu
– Ayaw mo talagang tumigil hah
– Walanghiya ka, walanghiya ka talaga, bayaran mo na ang utang mo
– Baka gusto mong, aba, binaon pa ngayon

La La La La La La

Ibang-iba ang buhay kapag nag-iisa
Walang inaasikasong problema ng iba
Kaya kung nag-aalinlangang magmahal
Ang payo ko sa 'yo ay huwag na lang
Ang payo ko sa 'yo ay huwag na lang





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

APO Hiking Society Huwag Masanay Sa Pagmamahal Comments
  1. Arnel Agustin

    Para din to sa mga kakilala ko

  2. jonah 77

    Para to sa kapitbahay namin na laging nagbabatuhan ng pinggan at nagsisigawan. Hahahaha