Abra - King Inang Bayan Lyrics




Kayod-kalabaw na naman
Nakakapagod, araw-araw na lang
Tagal ng sahod, kumakalam na ang tiyan
Lagot sa landlord kaya para-paraan
Kamusta na, mga kaibigan, ayos ba tayo dyan?
Eto nangangailangan parang kahapon lang
Di na bago, ginagago, minamalitrato't minamanipula po tayo ditto sa batibot
Na bansa, paraiso pag isang bandido
Dito, anito ang ibang maligno
Sinu-sino? Lipon ng ilang partido
Nino? Sila-silang magkakaapelyido
Astig noh? Ako lang ba? O lahat tayo nabobobo?
Pinoy nga naman oh halata yung panloloko
Ako kamo? Lagay? Pag umoo
Sabagay, yan ang gusto ng mga mamboboto
Ayoko!

Ayoko na kasing isipin (na ano?)
Na ako'y isang aliping sagigilid (na gutom)
Sa sarili kong lupain binibitin (patiwarik)
Ang karapatan ko maging tatlong bituin at isang araw na nagniningning
Yan ang hiling

Hindi bat sayang? King inang bayan
Di ka nila inalagaan
Pinabayaan kahit binabayaran
Bakit ninanakawan? Kasi hinahayaan natin
Pinapayagan, pinapalagpas
Media giants medyo biased ang pinapalabas
Brainwash! Anak ng tupa
Sunud-sunuran parang alagang tuta
Puta ng mga sangkot kakadampot ng kararampot
Na pampagamot, nakanampot… ambot!
Kakalungkot, sarap mag-abroad
Yung pook eh sumisikip pa lalo kakakantot… kadyot!
Perlas ka nga ba talaga o alahas ng amerika? Kawawang talaga
Kaya pwede ba? Magrebelede ng konte
Ang gulo sa pinas, paksyet! Penge ng chongke
Ala pobre

Ayoko na kasing isipin (na ano?)
Na ako'y isang aliping sagigilid (na gutom)
Sa sarili kong lupain binibitin (patiwarik)
Ang karapatan ko maging tatlong bituin at isang araw na nagniningning
Yan ang hiling

Heto na si Abra, magpapaka-honesto
Pukinangina! Nasan na po ba ang progreso?
Kung umento, un momento, dokumento
At bayad muna para una kang maiproseso
Argumento, malakas ang tsina, mangahas ng isla
Kung ganto yung takbo sayang gasoline
At bukod dun ga-bundok yung nandudukot na
Lupang hinirang sa iba't ibang lalawigan
Nang di nababalitaan likas na yaman
Imbis na alagaan, pinagkakakitaan
Di malaman-laman kung bakit
Lupain ni malakas at maganda pa talaga ang pumangit
Tapon ditto tapon don, trapo dito trapo don
Aburidong-aburido, trapik dito trapik don
No nga bang solusyon sa traffic na to?
Simple lang naman po yon, magjogging kayo
Huwag tamad, Juan Tamad itigil ang shabu
Itigil nyo na yan habang may ngipin pa kayo
Pag palo ang kausap, maaring utuin
Bato-bato sa langit nang madaling kontrolin
Kompanyero ewan kung mapansin mo
Sa nasabing gobyerno, mayaman lang ang umaasenso
Pasibang pang-alila nung sinauna pa
Sobrang bulok ng sistema dapat ibasura na
Palibhasa, puro propaganda
Parang SONA, puro papogi't puro paganda
Purong elitist, puro rin artista
At yun ang punong pamagat ng mga kolumnista
Habang mga mangingisda sa sariling dagat pinagtatatakwil
At ang mga magsasakang nanlilimos ng bigas pinagbababaril
Panay masaker tas talamak pa yung pera
Matabil dahil sandamakmak ang pruweba, punyeta!
Bitak ang ekonomiya iwan sa teknolohiya
Sira ang ekolohiya inay ko po!
Madugo ang laban parang dysminoreya
Real talk ang ginagamit kong sandata kasabay ng ritmo rima
Ano pang reklamo? Edukasyon at medisina
Pero mas nakakabanas and disiplina
Sa pinas, kaliwa't kanan na ang korapsyon
Walang ligtas, pati ba naman mga donasyon
Kung meron ang kakapal ng mukha sa tarpaulin
Namumulitika pa rin? Sarap lang pakyuhin!
Mapagbalatkayong nagtatayo ng imprastraktura
Ginigipit, tinitipid, para sa "kickback" amputa
Nagkulang sa benipisyo, yun ang alegasyon
Kontra sa namemerwisyong kontraktwalisasyon
Dami pa, tang-ina, kakaubos pasensya
Di lang upuan ang problema, isang buong lamesa
Kaya wag sumalalay sa sunod na president
Ang dapat magbago ay yung mga residente
Wag papeke, magpaka-intelihente
Wag pakeme, ugaliing magpakadisente
Oo, pang-aabuso'y ating nakasanayan
Matuto na po sana tayo sa mga mali ng kasaysayan
Wag sayangin ang buhay ng mga bayani
Isauli ang lupain sa tunay na nagmamay-ari
At kahit barilin ako tuloy ang inspirasyon
Pagmamahal sa nasyon na sagad and dedikasyon
Kabataan, wag magda-drugs ha? Delikads yon
At yung "pwede na yan"? Fuck! Di na pwede ngayon
Palaging tandaan hindi ka tulakan
Ika'y maharlika dapat dun ka sa unahan
Ang mamatay ng dahil sa 'yo? Isang karangalan
Subalit mas gusto kong mabuhay upang ika'y alagaan
King inang bayan

Ayoko na kasing isipin
Na ako'y isang aliping sagigilid
Sa sarili kong lupain binibitin
Ang karapatan ko maging tatlong bituin at isang araw na nagniningning
Yan ang hiling





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

Abra King Inang Bayan Comments
  1. Juan Masday

    Traying hard makabayan panget!!!!

  2. Sensational Lyrics

    Solid talaga mga kanta ni Abra💓 I don't know why some of his songs were underrated. Ganitong music ang dapat nating pinapakinggan para mamulat tayo.

  3. robert wagan

    8mins is forever...

  4. Ronald rainer Lautingco

    2:00 aklas ba yun

  5. Aira Gambol

    Kaya huwag sumalalay sa sunod na presidente
    Ang dapat magbago ay yung mga residente.
    Whoa! Galing ng lyrics.

  6. llama galaxy

    Matagal na palang may solusyon sa traffic si abra e 😂😂

  7. Joshua Andrade

    Talunan ka man sa battle rap, lodi ka naman sa Hiphop music respect belongs to you Abra!!!!

  8. Kim Cedrick Rodriguez

    pogiii ni idol abra shiiit😗😊😗

  9. Kira Satoru

    Sooo, when is the next one, it says to be continued 😅 im really excited on how they are going to rat out the wrongs in the country again

  10. Kaizaki Montoya

    ganito sana na mga musika pati yung ilusyon.... di maikakaila na matalino at malikhain tlga si abra pag dating sa musika.. di tulad ng iba non-sense lang laman ng kanta

  11. Kaizaki Montoya

    abra the best from ilusyon to this... still watching this in 2019

  12. Daril Tajolosa

    Da best to

  13. mariane geanesis

    i really love abra rap, sana gumawa pa siya more of his songs

  14. aly caz

    i miss this kinds of songs nowadays, san ka na nga ba abra???

  15. Rian Ruiz

    Sana makaabot to sa mga nasa upuan. :> Subukan niyo namang tumayooooO

  16. rhiane mendez

    nag cute ni bangkay hahahaha

  17. Karen Gabua

    Pakinggan pakatapos ng Eleksyon 2019

  18. Gemma Angela Martino

    #Halalan2019

  19. Damn Shandy

    *king inang artifice*

  20. Ron Harley Pantaleon

    Eleksyon na naaaaaamaaaaan

  21. tae hyunggg

    ito yung mga rapper na dapat i appreciate hindi gaya nung iba walang sense yung mga kanta

  22. WolF Gaming Fortnite

    2019?? Para sa mga boboto pakinggan niyo to

  23. Saitama kun

    Nice one ABRA!

  24. kidrobust

    Watching in 2019.... gandang kanta...

  25. jay_pro ng sagpro

    Libo libong sinagupa, binaon parang basura (pinipicturan ko muna) Bago ilibing sa lupa primitibo lirisismo pipilitin kong pihitin kung tingin mo kiliti mo imposible kong makuha pilipinong sining at literaturang hinaluan ng mga bara na parang hiroglipiko masulat mga titik na inipon at sinukat ay nagiging ipo-ipo pag hindi ko naisuka...!!!🔥🔥🔥

  26. Hannah Fay

    2019? anyone??

  27. G D

    RIP bankay

  28. MrYo0731

    2018 na lumala pa lalo ang kalagayan ng pilipinas king inang bayan to

  29. NamNam

    Yung pinapakinggan moto habang iniisip kung anong katarantaduhan ginagawa ng mga pnoy #2018

  30. Ian Arcangel

    azero king ina mo .. pakyu 😆😆😆

  31. Ty Gg

    RIP Pangil :( AKA Bangkay

  32. Alfred Viray

    RIP NONONG "BANGKAY" DE ANDRES 1947-2018

  33. Renren Calderon

    2018 na pero hindi parin ako makamove on sa ganda ng mensahe ng kantang to. Ang galing ni Abra kasi siya yung tipo ng rap artist na hindi puro lovesong ang kanta. Sobra akong humahanga sa kanya kasi despite the fact na mayaman yung pamilya nila hindi ayun yung naging hadlang para imulat niya ang kanyang mga mata sa totoong kalagayan at problema ng ating bansa, Si abra ay hindi nag bulagbulagan subalit kanya pang pinapakita ang totoong kalagayan nating mga mamamayanang pilipino. The Best ka talaga Abra😍 Idol saludo ako sayo nawa ay ipagpatuloy mo pa ang paggawa ng mga kantang katulad nito😊💖

  34. Happy Life

    this is a music that has meaning and purpose. This is how hip hop will reign!

  35. Yan Bell

    pota bat hindi to sikat! galing talaga ni abraaa dun palang sa "ilusyon" nya nice one

  36. Crestianne Karl Rodrigo

    Nice super ganda ang galing galing mong rapper. Abra Damang dama ung lyrics 😍😍😍😍😍

  37. Jekjek Laron

    Lol ang kyut ng bigote

  38. andrew scott

    Unrated :(

  39. Or Nah

    lagot sa landlord kaya kanya kanyang paraan

  40. Aben' San'Jose'16'

    GISING PINAS !!!!!!
    2018 NA😂

  41. Dennis Tuaño

    Slim shady inspired

  42. VISION SEE

    yung pambasang bandila.
    nasa kanan yung. red
    nasa digmaan
    ohh digmaan ang sulosyon??

  43. ANGRY PISTON

    2018?????

  44. Choker TV

    Wooo bagong crush nanaman ate reese notice me 😍

  45. iKonicARMY

    Can Abra be our National Hero? HAHAHA! I mean, I like Jose Rizal... Pero sige nalang, living hero pwede? :D Makabayan talaga halos ng mga kanta niya <3

  46. miloi

    creativity within the title says it all

  47. Tenshi Angelus

    abra and reese aikakaksjsjshhsgd

  48. Manong Tv

    We need more songs like this not that papogi and mga songs about sa love leik wtf wala ng natutunan ang kabataan sa ating lipunan dahil sa mga napapakinggan nilang puro love songs and such

  49. m҉i҉t҉s҉u҉k҉i҉

    putangina bat ngayon ko lang nakita tong gintong sining na ito

  50. francis fontanilla

    Andyan pala si kohol hahaha

  51. Mark Umali

    NGAYON KO LANG NAKITA TO' KUDOS TO ABRA AND REESE! At ngayon ko lang napakinggan kumanta si reese ng tagalog!

  52. Ragen Reyes

    I'm just here for Reese
    good yung lyrics
    pero cinematography baduy nung zoro
    okay sana yung flow
    delivery nga lang lambutin.
    ngayun ko lang din na realized para naring Xbi si Abra. boses mo lagyan mo ng effects? hindi naman sa bakla pero sa totoo lang para lang sinaing. hilaw na malata.

  53. iv•xvii

    namiss q c abra ahihihi

  54. BANGSTAN BERNxJADE

    This is Abra’s masterpiece! Very Underrated tho....

  55. Dan earn

    maganda ung content at video, di ko gaanong nagustuhan ung flow ni abra na halos pare pareho lang... but still a nice song

  56. Martin Santos

    Blooming si Reese.

  57. Cici Aliyah

    Dyosa ni reese dito. On another note, solid parin talaga mga liriko ni Abra. Saludo kami sayo idol

  58. ANIME AG

    Abra Balik ka Dito sa mindanao (Malaybalay) Sige na po😁😁😁

  59. OW3N G

    anonymous pa :)

  60. Marianne Dela Cruz

    sapul na sapul ang lyrics taena

  61. Raymart Escoto

    how sad it doesnt even have a million views.

  62. John Paul Orallo

    DAPAT KASINGSIKAT 'TO NG UPUAN FAK!

  63. Roy Caalim

    Si mabilis at si malumanay

  64. Aben' San'Jose'16'

    Reese Lansangan😍❤

  65. Luci!/AGIMAT

    Rock n roll ryan rems

  66. Kuro Nekooo

    Pretty ni Reese :3

  67. anonymous j

    Shet pampagising sa Pinas

  68. Precious Javier

    Uyy. Si Reese! 😍

  69. Precious Javier

    Uyy. Si Reese! 😍

  70. Precious Javier

    Uyy. Si Reese! 😍

  71. Artee Crafts

    tapos yung mga sikat na kanta ngayon sa opm puro tungkol sa drugs, bisyo at sexy girls lol

  72. Sae Ran

    2018 😍

  73. Nathaniel Siguan

    Beng! 🔥👏

  74. Eytsh Teese

    Wow 2 years ago na pala now ko lang nakita meron palang ganito si reese lasangan

  75. JofBalmonte TripneyJof

    Ang ganda ni Reese dito :) Ganda ng make up nya dyan :)

  76. JofBalmonte TripneyJof

    Ang ganda ni Reese dito :) Ganda ng make up nya dyan :)

  77. You Know Dreen

    REESE!!! 😍😘♥️

  78. Djhaemy Nazareno

    2018 na pero sobrang relevant pa rin

  79. Pinoy Screen and Stage

    Kadiri yung lamanloob parang yung ugali ng isang direktor diyan na nanghahambalos ng babae me pa-God God pa pwe

  80. Sherwin Diaz

    Tang inang bangkay mamatay ako sa tawa

  81. Marianne Dela Cruz

    aZerO!!!!

  82. Marianne Dela Cruz

    2018!!!

  83. chicken wings

    2018 after watching autopilot bahahahahahahaha andito pala si Reese!!

  84. LiveStream RightNow

    Gawa kayu kanta about kay Tatay digong pls

  85. Angel Morales

    2k18 <3

  86. Russel Medina

    aKING INANG BAYAN :)

  87. soulindeath

    solid parin kahit 2018 na putangina

  88. SADCrow

    yeah. go abra.. balik nnman ako sa pakikinig ng mga rap song haha

  89. Bryan Gumawid

    tagal nang part 2

  90. loreneil carpio

    ang ganda ni reese....